Make your own free website on Tripod.com
Project in A.P.

Ang Pananakop ng mga Dayuhan

Home
Ang Pilipinas
Ang Pananakop ng mga Dayuhan
Contact Me
Mga Magagandang Tanawin sa Pilipinas
Sinaunang Pamumuhay ng mga Pilipino
Marming Salamat!!!

magellean.jpg
Magellan

lagaspi.jpg
Lagazpi

spamish.jpg

spanish.jpg

kastila.jpg

lapulapu.jpg
Pananakop ng mga Espaņol

I.                    Paglunsad ng mga eksplorasyon

              

                    Maraming mga bagay at dahilan ang nag-udyok sa mga Europeo upang tumuklas at manakop ng mga lugar na hindi pa kristiyanado.

                    Isa sa mga dahilang ito ay ang mga krusada. Ito ang ekspidisyong ipinadala ng mga kristiyanong bansa sa Europa, sa Gitnang Silangan upang agawing muli sa mga Muslim ang “banal na lupain”. Kahit hindi nagtagumpay ang krusada sa layuning nito, nakita ng mga mandirigmang europeo ang mga kayamanan at produkto ng Silangan. Nagkaroon ng bagong panlasa at interes ang mga Europeo sa pamumuhay at mga karangyaan ng mga nakadigmang taga- Silangan. Nauso ang paggamit ng mga rekadong gaya ng cinnamon, paminta, luya at iba pa. Isang malaking negosyo ito kung matutunton ang pinanggalingan ng mga rekadong ito. Gayunpaman, monopolyo ng mga taga-Venice ang pag-angkat at pamamahagi sa Europa ng mga bagay mula sa Silangan. Nang bumagsak noong 1453 ang Constantinople sa mga Turkong Muslim,tanging mga mangangalakal na taga-Venice lamang ang pinahintulutang makadaan sa Dagat Madeterano. Ito ay dahil ang mga taga-Venice ay pumanig sa mga Muslim sa pakikidigma nito sa mga Griyego. Ang paghahangad na was akin ang monopolyo ng mga taga-Venice sa kalakalang Silangan-Kanluran  ang nagtulak sa mga ibang Europeo na humanap ng ibang daanan patungong silangan.

                    Ang mga salaysay ni Marco Polo tungkol sa mga paglalakbay niya sa China at ang karangyaan ng bansang ito ay nagging isa ring pang-akit.

                    Sa panahong ding ito umunlad ang agham at karunungan at sa mga bagong imbensyon ay kasama ang mga kagamitang sa nabigasyon gaya ng kompas, mapa at iba pang instrumentong pang giya. Nagbigay ito ng lakas ng loob sa mga nabigador upang puntahan ang mga lugar na hindi pa naaabot ng mga taga kanluran.

                     

II.                 Kasunduan sa Tordesillas

                    Dahil sa paguunahan o pagpapaligsahan ng Portugal at Espanya sa panunuklas o eksplorasyon, napairal ng isang dekreto ang papa ng Roma, Alexander VI na nagtatakda at nagsisilbing gabay sa pagtuklas ng dalawang bansa. Noong Mayo 3, 1493, binigyan ng papa ng karapatang ang Espanya na manuklas sa bagong daigdig at ang Portugal sa Africa. Binago ito noong Mayo 4, 1493. Gumuhit ng isang imahenaryong linya na nagmula sa hilagang polo patungong timog polo, 100 liga sa kanluran ng Azores at Cabo. Ang mga lupaing matutuklasan sa silangan ng linya ay sa Portugal at lahat ng mga lupaing nasa kanluran ay sa Espanya. Dahil sa pagtutol ng Portugal sa mga dekreto ng papa, pinagtibay ang kasunduan ng Tordesillas noong Hunyo 7, 1494.

 

III. Pagtuklas ni Magellan sa Pilipinas.                          

                    Ninais ni Magellan, isang Portuges, na maglalayag upang hanapin ang  Spice Island. Lumapit siya sa hari ng Espanya. Binigyan siya nito ng limang barkon at 264 na manlalayag.

                    Naglayag sila papuntang kanluran kahit ang Spice Island ay nasa silangan. Sa halip na makarating sa nasabing pulo, napunta sila sa pulong malapit sa Samar.

                    Dumaong sila sa pulo ng Homonhon noong ika 16 ng Marso, 1521. Sa baybayin ng Limasawa, ipinagdiwang nila ang unang misang Katoliko noong Marso 31, 1521. Naglayag sila patungong Cebu at nakipagkaibigan kas Rajah Humabon, hari ng Cebu. Noong ika 14 ng Abril, isa pang misa ang ginanap at ito ay sinundan ng pagbibinyag kay Rajah Humabon, ang asawa nito at 800 na katutubo. Sila ang kaunaunahang Kristiyanong Pilipino.

 

IV. Felipinas~Pilipinas

                    Taong 1543 dumating si Villalobos sa pulo ng Leyte. Siya ang nagpangalan sa ating bansa ng Felipinas bilang parangal sa haring Espanya, si Haring Felipe II. Dumating naman si Miguel Lopez de Legazpi noong 1565. Siya ang unang nagtayo ng unang pamayanan Kastila sa Cebu. Nagsimulang kumalat ang ia pang pamayanang Kastila sa Visaya at Luzon.

 

V. Labanan sa Mactan

                  

    Nais mamahala ni Magellan sa buong kapuluan kaya’t humingi    siya ng buwis kay Lapulapu, pinuno ng Mactan. Hndi pumayag si Lapulapu kaya’t nagsimula ang pag-aaway niya at ni Magellan. Noong Abril 27, 1521 ang labanan ay nag-umpisa sa pagsunog ng may 30 bahay ng katutubo na lalong ikinagalit ng mga ito. Tinamaan ng isang palasong may lason si Magellan na ikinalugmok nito. Pinagtulung-tuloungan ng mga mandirigma ni Lapulapu si Magellan. May sumibat at tumaga sa kanya hanggang siya ay mamatay. Dali-daling  tumakas ang iba pang Kastila. Kasamang namatay ni Magellan ang walo pang Kastila at apat na katutubo.

                     Ang labanan sa Mactan ay an unang matagumpay na

 pagtataboy sa dayuhang mananakop. 

                   

VI.                Kolonisasyon ng Cebu, Panay at Maynila

                    Dumaong ang elspedisyon nina Legaspi sa pulong kung tawagin ay Sugbu, ngayon ay Cebu, noong Abril 27, 1565. Hindi sila tinanggap ng mga katutubo noong una kaya kinanyon ng mga Kastila ang mga katutubo. Sa takot ay nagsitakbuhan ang mga ito sa mga bundok. Matapos matiyak na wala ng hadlang, lumunsad ang mga Kastila. Dito nagtatag ng unang panahanang Kastila si Legaspi na tinawag niyang Villa De San Miguel na pinalitan din ng Santisimo Nombre De Jesus.

                    Mula sa Cebu ay pumunta si Legaspi sa Panay. Inakala niyang higit na ligtas ang Panay sa pananalakay ng mga Portuges. Higit ding sagana ang lugar na ito sa pagkain. Mula rito ay inutusan niya si Martin De Goite na maghanap ng iba pang lugar. Pinabalik din ni Legaspi ang isang barko sa Mexico na nagdaan sa isang bagong rotang natuklasan nila ni Fray Andres De Urdaneta. Tinawag na rin ni Legaspi na Pilipinas ang kapuluan.

                    Natagpuan ni De Goiti ang Maynila. Tinanggap naman siya ni Rajah Sulayman, ang puno ng katutubo sa isang pamayanan sa Maynila ngunit hindi nagtagal ang pagiging magkaibigan nila. Naghinala si Sulayman sa tunay na motibo ng mga Kastila kaya nagkaroon din ng mga paglaban. Sinunog ni De Goiti sa tulong ng mga Bisaya ang pamayanan sa Maynila. Noong 1571, si Legaspi ay lumipat sa Maynila. Tiniyak muna ni Legaspi na ligtas ang gagawin nilang pagdaong dahil sa nangyari kila De Goiti at Sulayman. Inihayag ni Legaspi na ginawaran na ang titulong Adelentado ang Maynila bilang capital ng Pilipinas noong Hunyo 24, 1571. Sumunod din ang pagpapadala ni Legaspi ng mga ekspedisyon upang ipagpatuloy ang pananakop sa iba pang pulo gaya ng Ilokos, Pangasinan, Mindoro at iba pa. Siya ang naging unang Gobernador Heneral ng kapuluan. Aging madali ang kolonisasyon sa tulong ng mga misyonero ngunit hindi nagtagumpay ang mga kolonisador sa Mindanao at Sulu. Sa kolonisasyon ng mga pulo, nanguna ang apo ni legaspi na si Juan De Salcedo. Siya ang namahala sa mga ekspidisyon sa hilagang kanlurang Luzon hanggang sa silangang bahagi ng Quezon. Nang mamatay noong Agosto 1572 si Legaspi, ipinagpatuloy ng sumunod na Gobernador Heneral si Guido De Lavenzares ang pananakop sa iba pang mga pulo.

  

VII.              Ang Pamumuhay sa Ilalim ng mga Kastila

1.                Ang Kabuhayan 

           a) Agrikultura- napilitan ang mga katutubo na magtanim nang labis upang makabayad sila ng tributo

           b) Industriya- tinuruan ang mga tao na mag imprenta ng mga aklat, pagkakarpintero, pag- ukit, paggawa ng kandila, alak at asukal.

           c) Pagbabangko- itinatag ang kaunaunahang bangkong Pilipino na pag-aari ni Francisco Rodriguez. Itinatag naman ang kaunaunahang bangko ng pamahalaang Insular, ang Banko Espaņol- Filipino.

           d) Komunikasyon at Transportasyon- nagkaroon ng telegrapo noong 1873 at telepono noong 1890. Ang kaunaunahang pahayagan ay ang Del Superior. Ang iba pang pahayagan ay La Esperanza, La Estrella, at Dyaryo De Manila.

Pananakop ng mga Amerikano
 

1898, si Commodore Dewey, Asst. Sec. of the Navy ay inutusan ni T. Roosevelt na tumuloy sa Hongkong at paghandaan ang paglusob ng mga Kastila sa Pilipinas kung magkakaroon ng digmaan.
May 1,1898 opisyal na nagsimula ang Battle of Manila Bay sa oras na 5:40 ng umaga sa pamumuno ni Comm. Dewey nang sabihin niyang, "You may fire when you are ready, Gridley."
Nang mag-utos siya ng tigil putukan o ceasefire bandang alas 12:30 ng tanghali, lahat ng 10 barko ng Kastila ay nawasak kasama ng 381 tauhan.
 Walong Amerikano lamang ang bahagyang nasugatan at walang namatay. Dahilan upang mataas ang ranggo ni Dewey sa pagiging Rear Admiral.
June 12, 1898 – pinirmahan ni Gen. Emilio Aguinaldo, kasama ang mga pinunong Pilipino ang Deklarasyon ng Kalayaan ng Pilipinas. 

Nilagdaan ang isang kasunduang pangkapayapaan sa Espaņa noong Aug. 12, 1898.
Ang digmaan ay pormal na winakasan sa pamamagitan ng 12, 1898. Treaty of Paris noong Dec.
Ang Espaņa ay tinalo ng Puerto Rico, Guam, at ng Pilipinas.
Nagbayad ang pamahalaang Kastila ng halagang $20M sa Pilipinas.
January 23 1899, pormal na ipinahayag ni Gen. Aguinaldo at mga kasama ang pagkakatatag ng Unang Republika sa Barasoain, Malolos, Bulacan.
Ang unang Republika ng Pilipinas ay nanatili lamang ng sandaling panahon dahil ito’y ilegal na isinalin sa Estados Unidos. 
Sumiklab ang Fil-Am War dahil sa paghahangad ng mga Amerikanong kontrolin ang bansa.
 Tumagal ito ng halos 10 taon at pumatay ng mahigit 600,000 Pilipino at 10,000 Amerikano.
Ang hindi kilalang digmaang ito ay tinagurian ng mga manunulat ng kasaysayan bilang "First Vietnam" dahil dito unang ginamit ng mga Amerikano ang mga malupit na taktikang pandigmaan.
 Nagsimulang mangaral ang mga misyonerong Protestante.
March 23,1901 nahuli si Gen. Aguinaldo ng mga kalaban. Nagpasa ang Amerika ng Sedition Law na nagpapataw ng parusang kamatayan sa sinumang magnais ng kalayaan ng Pilipinas. 
Ang barkong Thomas, mula sa San Francisco, sakay ang 600 Amerikanong guro ay dumaong sa Pilipinas.
1902, ang sakit na beri-beri ay kumitil ng libo-libong mamamayan. 
Ang Fort Stotesenberg, na kalaunan ay tinawag na Clark Air Base ay itinayo bilang cavalry outpost. 
Ang Iglesia Filipina Independiente (The Philippine Independent Church) ay pormal na itinatag sa ibat-ibang bayan, at ginamit nila sa kanilang organisasyon ang mga simbahang Katoliko.
1906, ipinag-utos ng U.S. Supreme Court na ibalik ang lahat ng pag-aari ng Katoliko Romano.
1907, ang mga opisyal sa Local Government ay yaon lamang mga mayayaman. 
1908, itinatag ang University of the Philippines (UP).
July 27, 1914 sumiklab ang World War I ; nagpasimula ang Iglesia Ni Cristo sa Pilipinas.
1916, pinagtibay ang Jones Law, isang batas na ang intensiyon ay ipagkaloob ang
lubos na kalayaan sa sandaling dumating ang karapat-dapat na pagkakataon.
1934, pagkatapos ng matagal na pakikipaglaban ng mga Pilipino sa Washington, ang
Tydings-McDuffie Act ay ipinasa para magkaloob ng sampung taon ng "Commonwealth"
status.

 

hapom.jpg
Japanese Regime

deathmarch.jpg
Death March

Pananakop ng mga Hapon
Itinatag ang Commonwealth Government noong 1935 upang magkaroon ng sariling pamamalakad ang mga Pilipino subalit ito’y ginulo ng World War II at ng pananakop ng mga Hapon.
December 7, 1941, inatake ng Hapon ang Pearl Harbor at Clark Air Base
December 10,1941, lumapag ang puwersang Hapon sa Luzon.
January 2, 1942, sapilitang sinakop ng Hapon ang Maynila.
 April 9, 1942, ang mga kawal Pilipino at Amerikano sa Bataan ay sumuko kay Gen. Yamashita.
 Karamihan sa 36,000 na mga tagapagtanggol ng Bataan ay namatay sa di-makataong Death March
October 20,1944, ang mga puwersang Amerikano ay bumalik sa pulo ng Leyte.
October 23,1944, muling naibalik ang Commonwelth Government ng Pilipinas.
January 9,1945, pinasok ng US forces ang Pilipinas sa pamumuno ni Gen. Douglas MacArthur na dumating sa Maynila noong February 4 at nabawi ito sa loob ng tatlong linggo.
July 4,1946, nang makamit ng Pilipinas ang kalayaan mula sa Estados Unidos sa ilalim ng probisyon ng McDuffie-Tyding's Act noong 1934. 
July 5, 1945, ipinahayag ng Washington ang muling pagkabawi ng Pilipinas.

 
 
 
 
 
 
Made by: Kris Ciel Enriquez and Group 1 (Jade San Jose, Regine Ruedas, Genesis Muzones, Micoh Ventura, Ed Martin Reyes, Joash Rodriguez, Lindjie Cabatuan and David Simsuanco) (",)