Mga Rehiyon ng Pilipinas
Ang Rehiyong Ilocos, ay matatagpuan sa hilagang kanlurang bahagi ng Luzon. Ito ay binubuo ng
4 na lalawigan: Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, at Pangasinan.
Ang CAR (Cordillera Administrative region) ay matatagpuan sa hilagang Luzon. Ito ay binubuo ng mga lalawigan
ng Abra, Apayao, Benguet, Kalinga at Mt. Province. Dito matatagpuan ang sikat na Banaue Rice Terraces at ang lunsod ng Baguio
na tinaguriang Summer Capital of the Philippines.
Ang Lambak Cagayan ay matatagpuan sa malaking lambak sa hilagang silangang Luzon, sa pagitan ng kabundukang
Cordillera at Sierra Madre. Binubuo ito ng limang lalawigan: Batanes, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, at Quirino.
Binabagtas ng Ilog ng Cagayan, ang pinakamahabang ilog sa bansa, ang gitna ng rehiyon at dumadaloy patungong Kipot ng
Luzon sa Hilaga.
Ang Gitnang Luzon ay may 66 kilometro ang layo sa Maynila. Ito ay may sukat na 21 470 sq.km. Nahahati
ito sa 7 lalawigan: Aurora, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Bataan, Tarlac, at Zambales.
Pinakamaliit sa mga rehiyon ng Pilipinas ang Kalakhang Maynila, o NCR (National Capital Region), ngunit
ito naman ang may pinakamakapal na populasyon. 636 sq.km. ang sukat nito at nahahati ito sa apat na distrito:
Unang Distrito: Lungsod ng Maynila
Ikalawang distrito: Lungsod ng Mandaluyong, Lungsod ng Marikina, Lungsod ng Pasig, Lungsod ng Quezon,
San Juan
Ikatlong Distrito: Lungsod ng Caloocan, Lungsod ng Valenzuela, Lungsod ng Malabon at Navotas
Ikaapat na Distrito: Lungsod ng Makati, Lungsod ng Las Piñas, Lungsod ng Muntinlupa, Lungsod ng Pasay,
Lungsod ng Taguig, Lungsod ng Parañaque, at Pateros.
Ang Calabarzon ay nasa Timog kanlurang Luzon, at pumapangalawa sa pinakamataong rehiyon. Ito ay binubuo
ng mga lalawigan ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon.
Ang Mimaropa ay rehiyon ng Pilipinas na binubuo ng mga sumusunod na lalawigan: Mindoro Oriental
& Occidental, Marinduque, Romblon at Palawan. Ang mga lalawigang ito ay mga isla sa Dagat Timog Tsina.
Ang Calabarzon at Mimaropa ay dating magkasama bilang Timog Katagalugan hanggang ito ay paghiwwalayin sa bisa ng Executive
Order No, 103, noong ika-17 ng Mayo 2002,
Ang Rehiyon ng Bikol ay isang tangway na matatagpuan sa Timog Luzon. Ito ay binubuo ng 6 na lalawigan.
Ang Albay, Masbate, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, at Sorsogon.
Ang Kanlurang Visayas ay binubuo ng 6 na lalawigan: Aklan, Antique, Iloilo, Capiz, Guimaras at Negros
Occidental. Dito matatagpuan ang Boracay at ang isa sa mga pinakamatamis na mangga sa bansa.
Ang Gitnang Visayas ay tinaguriang prinsesa ng kabisayaan. Napapaloob dito ang lalawigan ng Bohol, Siquijor,
Negros Oriental at Cebu. Narito ang Chocolate Hills, na matatagpuan sa Bohol, at ang pinakamatandang lunsod sa buong
Pilipinas, ang Cebu.
Ang Silangang Visayas ay binubuo ng 6 na lalawigan: Samar, Northern Samar, Eastern Samar, Biliran, Leyte,
at Southern Leyte. Dito matatagpuan ang pinakamahabang tulay sa ating bansa, ang San Juanico Bridge.
Tangway ng Zamboanga. Ito ay binubuo ng tatlong lalawigan, ang Zamboanga del Norte, Zamboanga del sur,
at Zamboanga Peninsula. Ito ay dating tinatawag na Kanlurang Mindanao bago isinabatas ang Executive order no. 36 noong ika
19 ng Setyembre 2002.
Ang Hilagang Mindanao ay binubuo ng mga lalawigan ng Bukidnon, Lanao del Norte, Misamis Oriental
& Occidental, at Camiguin. Ito ay may kabuuang sukat na 14 330 sq.km.
Ang Caraga ay matatagpuan sa Hilagang-Silangang bahagi ng Mindanao. Nabuo ito sa republic act no. 7901
noong Pebrero 23, 1995 na inaprubahan ni Pangulong Ramos. Ito ay binubuo ng 4 na lalawigan: Surigao del Norte, Surigao del
Sur, Agusan del Norte at Agusan del Sur.
Soccsksargen. Ito ay akronimo para sa apat nitong lalawigan at isang lungsod. Ang South Cotabato, Cotabato,
Sultan Kudarat, Saranggani, at General Santos. Matatagpuan dito ang pangalawa sa pinakamahabang ilog sa buong bansa, ang Rio
de Grande.
ARMM (Autonomous Region in Muslim Mindanao). Ito ay binubuo ng 5 lalawigan: Basilan, Lanao del Sur,
Maguindanao, Sulu, at Tawi-tawi. Ito ay nilikha noong Agosto 1, 1980, sa bisa ng Rep. Act No. 6734.
|
Ang Pilipinas ay isang bansang kapuluuan na may 1 707 na pulo, at matatagpuan sa tropikal na kanlurang Karagatang
Pasipiko, mga 100 kilometro sa timog-silangan ng pangunahing lupain ng Asya.
Ang Pilipinas ay matatagpuan sa Timog-silangang Asya, bahagyang nasa taas ng ekwador. Ito ay nasa latitud 4 23' H at
21 25' H at longhitud 116 S at 127 S.
300 780 sq. km ang sukat ng lupa
1 208 986 sq. km. ang kabuuang sukat ng Pilipinas.
Ika-11 ng Hunyo 1976 itinatag ang Pampanguluhang Batas Blg. 1596. Ipinapahayag nito na ang mga Isla ng Kalayaan ay bahagi
ng bansang Pilipinas at isang munisipalidad ng Palawan.
Ang United Nations Convention on the Law of the Sea ay ang mga nagkaisang bansa sa batas ng karagatan. Ito ay naitatag
noong Dis. 10, 1982 sa bansang Jamaica, na nilagdaan ng 130 bansa.
Mga Pinagkukunang Yaman
Ang yamang tao ay itinuturing na pinakamahalagang pinagkukunang-yaman ng isang bansa. Ito ay mga kakayahan,
lakas, produktibidad at iba pang katangian ng tao na maaaring gamitin bilang produktibong sangkap sa produksiyon ng mga kalakal
at serbisyo.
Ang yamang likas ay binubuo ng lupa, karagatan, ilog, kagubatan, at kapaligirang pangkalikasan. Ito ay kadalasang hilaw na produkto na dapat
pang iproseso o pabrikahin upang matamo ang tunay na kasiyahan mula sa mga ito.
-sa ilalim nito ay ang mga ss:
Yamang Kagubatan
-dito nakukuha ang mga troso, tabla, playwud, tapal o veneer at dagta o resin na ginagamit bilang hilaw na sangkap sa
iba't ibang gawaing pangkabuhayan.
Yaman ng Lupaing Di-Gubat
-ito ay binubuo ng mga pananim tulad ng mais, bigas, niyog, tubo, sari-saring prutas at gulay.
-kasama rin dito ang mga kalabaw, baka, kambing, baboy at iba pa.
Yamang Dagat at Palaisdaan
-ito ay isa pang mahalagang pinagkukunang yaman ng bansa. kasama dito ang sari-saring isda na nahuhuli sa ating mga karagatan.
Minahan
-matatagpuan sa Benguet, Surigao, Zamballes, Cebu, Panay, Negros, Davao, Zamboanga at Palawan ang mayamang deposito ng
mga mineral.
-ito ay nahahati sa tatlong kategorya
Metal
-ang mahahalagang metal ng ating bansa ay ginto, pilak, kromito, tanso, yero, tingga, manganeso, nikel, at zinc.
-ginto ay siyang may pinakamalawak na produksiyon.
Di-Metal
-ito ay binubuo ng buhangin, graba, mineral na asin, at buhanging silica.
Mineral Fuel
-petroleo ang pinakamahalagang mineral fuel o mineral na panggatong.
|
|